Nahuli na ng mga awtoridad ang menor-de-edad na tinaguriang Top 9 Regional Most Wanted sa isinagawang manhunt operation kamakailan sa Brgy. Anonang, Cordon, Isabela.
Kinilala ang menor-de-edad na suspek bilang si alyas “Mer”, 17-anyos, at residente ng naturang lugar.
Walang inirerekomendang piyansa ang kaso ni Mer para sa kanyang pansamantalang paglaya.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Balay Namnama (Youth Home for Boys) Balintocatoc, Santiago City ang suspek.