𝗟𝗜𝗕𝗨-𝗟𝗜𝗕𝗨𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗝𝗨𝗔𝗡𝗔, 𝗡𝗔𝗞𝗨𝗠𝗣𝗜𝗦𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗛𝗔𝗡

Arestado ang dalawang indibidwal sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation ng kapulisan sa Maribbay St. Ugac Norte, Tuguegarao City, Cagayan.

Nahulihan ng 2, 000 gramo ng Marijuana na nagkakahalaga ng P240,000 sina alyas “Jose” at “Rome”.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Narekober din ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang mga cellphones, motorsiklo, at ang ginamit na buy-bust money.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Police Community Precinct, Don Domingo, Tuguegarao City Police Station ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa  RA 9165 or Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.