π—žπ—¨π— π—”π—Ÿπ—”π—§ 𝗦𝗔 π—¦π—’π—–π—œπ—”π—Ÿ π— π—˜π——π—œπ—” 𝗑𝗔 π—Ÿπ—”π—₯𝗔π—ͺ𝗔𝗑 π—‘π—š 𝗨𝗠𝗔𝗑𝗒’𝗬 π——π—”π—Ÿπ—”π—ͺπ—”π—‘π—š π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—žπ—œ 𝗑𝗔 π—¦π—¨π—¦π—£π—˜π—ž 𝗦𝗔 π—£π—”π—šπ—£π—”π—§π—”π—¬, π—™π—”π—žπ—˜ π—‘π—˜π—ͺ𝗦 – 𝗣𝗑𝗣

Nagpa-alala ang Maddela Municipal Police Station sa publiko na maging responsable sa paggamit ng social media at huwag magpakalat ng mga maling impormasyon.

Ito ay matapos ang pagkalat sa social media ng larawan ng dalawang lalaki na umano’y suspek sa kaso ng pagpatay sa ibang bayan.

Batay sa post ng Maddela MPS, personal na nagtungo sa kanilang himpilan ang dalawang lalaki na nasa mga kumalat na larawan upang linisin ang kanilang pangalan at patunayan na hindi sila sangkot sa naitalang kaso ng pagpatay.

Una nang kinumpirma ng kapulisan na natukoy na ang mga totoong suspek sa nasabing krimen kung saan nasampahan na rin ang mga ito ng kasong murder.

Mariing ipinaalala ng PNP sa publiko na suriin ng mabuti ang mga impormasyong nababasa at agad na idulog sa himpilan ng pulisya ang anumang napapansin na hindi kanais-nais na pangyayari sa kanilang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *