Idineklarang dead-on-arrival ang isang drayber ng traysikel matapos itong aksidenteng mabangga ng Toyota Hilux kahapon, araw ng pasko, December 25, sa Purok 4, Brgy. Dalibubon, Jones, Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, kinilala ang nasawi na si Joseph Agustin na residente ng naturang lugar habang ang drayber ng hilux ay kinilalang si Erwin Crisostomo na residente naman ng Brgy. Malannit, Jones, Isabela.
Batay sa naging imbestigasyon ng mga kapulisan, galing sa Brgy. Malannit ang drayber ng Toyota Hiluzx at tinatahak naman ng traysikel ang kasalungat na direksiyon.
Lumipat sa kabilang linya ng kalsada ang trasyikel upang mag-parada sana ng kaniyang sasakyan sa harap ng kanilang bahay subalit aksidente itong nabunggo ng Hilux.
Nag-resulta ito ng iba’t ibang pinsala sa katawan ni Agustin at mabilis isinugod sa pagamutan pero hindi na ito umabot ng buhay.
Sa ngayon ay patuloy pang inaalam ang kabuuang halaga ng naging pinsala sa parehong sasakyan.