𝐏𝐍𝐏 𝐂𝐈𝐓𝐘 𝐎𝐅 𝐈𝐋𝐀𝐆𝐀𝐍, 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀𝐇𝐀𝐍𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐈𝐋𝐀𝐆𝐔𝐄Ñ𝐎𝐒 𝐍𝐀 𝐀𝐆𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆 𝐈-𝐑𝐄𝐏𝐎𝐑𝐓 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐊𝐀𝐇𝐈𝐍𝐀-𝐇𝐈𝐍𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐈𝐋𝐎𝐒 𝐍𝐆 𝐈𝐍𝐃𝐈𝐁𝐈𝐃𝐖𝐀𝐋 𝐎 𝐆𝐑𝐔𝐏𝐎 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐍𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐋𝐔𝐆𝐀𝐑

Hinikayat ng Ilagan City Police Station ang mga Ilagueños na agarang isangguni sa kanilang himpilan sa oras na may napapansing kahina-hinalang grupo o indibidwal sa kanilang lugar.

Sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PCpl Cabalonga ng PNP Ilagan, kaugnay ito sa napaulat na sasakyang naglilibot umano sa Barangay Sta. Isabel Sur na nakumpirma namang mga contractor ng isang telecommunications company.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Aniya, inireport ng mga residente ito sa kanilang Barangay Official at dito nakita ang kanilang mga valid identification card kung saan nakumpirma na trabaho lamang ang ginagawa nila sa nasabing barangay.

Kaugnay dito, naging maagap ang pag-aksyon ng barangay officials at nawala ang pangamba sa mga residente sa kanilang nasasakupan.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Pinaalalahanan naman ng PNP na sa oras na may kahalintulad na insidente ay i-report agad sa mga barangay official na siyang magsasangguni sa himpilan ng pulisya upang agaran itong matugunan.

Bukod dito, tiniyak ng kapulisan ang seguridad at kaligtasan ng mga residente ng City of Ilagan.