₱6.9M halaga ng ilegal na droga, nasabat sa Biñan City, Laguna

Umaabot sa 6.9 million pesos na halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska ng mga otoridad sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Sto. Niño, Biñan City, Laguna.

Kinilala ng Laguna PNP ang suspek na si alyas “Norodin”, residente ng nabanggit na lungsod.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Ayon sa imbestigasyon, aktong nahuli ang suspek na nagtutulak ng ilegal na droga matapos pagbentahan ang pulis na nagkunwaring buyer.

Narekober sa suspek ang isang malaking pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 1,000 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P6,900,000.00.   

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Nakumpiska rin ang isang puting sasakyan, 14 na bundle ng pekeng pera at 1,000 pesos.

Nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.