CAMARINES SUR- Buo ang tiwala ng Department of Agriculture na bababa pa sa ₱20. 00 ang bawat kilo ng bigas.
Ito ang sinabi ni Regional Executive Director Rodel Tornilla sa pagharap nito sa mga miyembro ng media sa ika-apat na Regional Kapihan na pinangunahan ng Philippine Information Agency (PIA). Aniya sa suportang ibinibigay ng National Government sa DA, sa loob ng apat pang taon ay kakayanin pa ito. ₱6.1 bilyong piso ang budget ngayong taon kumpara sa ₱4.5 billion noong 2023; nakapaloob ang mga proyekto tulad ng farm-to-market roads at suporta sa farm inputs tulad ng abono, binhi at iba pang pangangailangan.
₱46.00 hanggang ₱65.00 ang bentahan ng bawat kilo ng bigas sa Naga City People’s Mall. Ayon naman sa mamimiling si “Lan” ng Milaor, Camarines Sur,mahal ang abono kaya hindi na siya naniniwala na mangyayari ang ipinangako ng Pangulo noong panahon ng kampanya.
Si Mercy Morano naman ang Presidente ng Rice Section sa NCPM, naiimposiblehan pa sa ngayon pero kung walang patid at sapat aniya ang suporta ng pamahalaan, posible ngang maibaba pa sa ₱20.00 ang bawat kilo ng bigas sa panunungkulan ni Pangulong Marcos Jr.