𝟮 𝗘𝗦𝗧𝗔𝗕𝗟𝗜𝗦𝗛𝗜𝗠𝗘𝗡𝗧𝗢 𝗡𝗔 𝗚𝗨𝗠𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗔𝗗𝗬-𝗧𝗢-𝗗𝗥𝗜𝗡𝗞 𝗝𝗨𝗜𝗖𝗘 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗥𝗔

Ipinasara ng Business Permit and Licensing Office o BPLO ang dalawang establishimento sa Lunsod ng Cauayan na gumagawa ng ready-to-drink juice.

Sa nakalap na impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa BPLO, wala umanong permit ang naturang mga establishimento at hindi maayos ang proseso na kanilang mga ginagawang produkto.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Kasama ng BPLO ang Food and Drug Administration sa isinagawang inspekyon sa nasabing establishimento kung saan aabot sa 200 boxes ng juice ang nakumpiska.

Aminado naman umano ang may-ari sa kawalan nila ng permit kaya’t hindi ito umalma sa isinagawang inspekyon at pagkumpiska ng kanilang mga produkto.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Bukod dito, naipasara na rin ng FDA sa kalakhang Maynila ang pinanggalingan ng raw materials sa paggawa ng juice.

Batay sa inspeksyon ng BPLO at FDA, direktang sa gripo umano kinukuha ang tubig na gingamanit sa paggawa ng juice kung saan hindi ito maganda sa kalusugan ng mga kumokonsumo.