𝗟𝗜𝗕𝗨-𝗟𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗜𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔 , 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗕𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡

Positibong nasabat ang mahigit P150,000 na halaga ng illegal na droga at mga bala ng Calibre 45 at 9mm na baril matapos isilbi ng kapulisan ang search warrant sa Barangay Alimannao, Peñablanca, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Police Regional Office 2, isinilbi ang search warrant sa tirahan ng isang 56-anyos na suspek sa nasabing lugar.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Nasamsam ang illegal na droga na higit-kumulang 12 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang mahigit 80k, 600 gramo ng hinihinalang marijuana na nagkahahalaga ng mahigit 70k at iba pang drug paraphernalia.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Isasailalim ang suspek sa inquest proceedings para sapaglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Matagumpay ang operasyon na pinangunahan ni Provincial Intelligence Unit/Provincial Drug Enforcement Unit ng Cagayan PRO kasama ang Peñablanca Police Station at Regional Intelligence Unit ng PRO 2.