𝗖𝗖𝗧𝗩 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗟𝗜𝗚𝗔𝗬𝗔, 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗜𝗬𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗚𝗨𝗥𝗜𝗗𝗔𝗗

Ipinunto ni Barangay Captain Reymart Malillin ng Maligaya na malaki ang naitutulong ng kanilang mga CCTV footages sa pagbabantay ng seguridad sa kanilang nasasakupan.

Sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Brgy. Capt. Malillin, 24 hours ang duty ng mga opisyales sa barangay maging ng mga tanod kung saan dalawang beses silang nagro-roving.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Aniya, sa ganitong pamamaraan ay napapanatili ang kaayusan at natitiyak ang seguridad ng barangay lalo pa’t mayroon itong pagkalayo sa bayan.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Bukod dito, sa oras na mayroon aniyang nangyayaring hindi kanais-nais sa kanilang barangay ay malaking tulong ang mga naka-install na CCTV sa pagtulong sa mga isinasagawang imbestigasyon.