𝗕𝗔𝗕𝗔𝗘 𝗦𝗔 𝗡𝗨𝗘𝗩𝗔 𝗩𝗜𝗭𝗖𝗔𝗬𝗔, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗦𝗔𝗞𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗩𝗘-𝗜𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗧𝗡𝗘𝗥 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗦𝗘𝗟𝗢𝗦

Patay ang isang ginang matapos itong pagsasaksakin ng kanyang live-in partner sa kanilang inuupahang bahay sa Latorre South, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang biktima na si Venus Estranero, 51-anyos habang ang suspek naman ay si Morato Geralde, 49-anyos na kapwa residente sa nabanggit na lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Bayombong Police Station, bago ang pananaksak ay ilang araw na umanong nag-aaway ang dalawa dahil sa pagseselos ng suspek.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Kalauna’y nakarinig na lamang umano ang mga kapitbahay ng dalawa ng sigaw mula kay Venus na humihingi ito ng tulong.

Sa pagresponde ng kapulisan ay nakita mula sa bintana ng bahay ang duguang katawan ng biktima at ang suspek na may hawak na patalim.

Sinipa ng kapulisan ang pintuan ng bahay ng maglive-in upang mabuksan ito kung saan bigla na lamang sinugod ng suspek ang mga otoridad kaya napilitan ang mga itong barilin ang suspek na natamaan sa binti.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng kapulisan, halos lahat umano ng bahagi ng katawan ng biktima ay puno ng saksak.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Bayombong Police Station suspek habang inihahanda  ang kasong murder laban sa kaniya.

Samantala, hinihintay naman ng mga otoridad ang permiso ng pamilya ng biktima upang magsagawa ng autopsiya sa bangkay nito.