NAGA CITY –Mangyayari na ang matagal ng inaasam-asam ng mga senior citizens sa Naga City, ang matanggap na ang dagdag na limang-daan piso sa kanilang natatanggap na social pension, magiging isang libo na mula ngayong Enero.
Tatanggapin ito ng mahigit 3,000 libong mga benipisyaryo mga lolo at lola ng lungsod na noon pang isang taon nila hinihintay kaya halos pabalik-balik ang mga ito sa City Social Welfare and Development Office.
Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Annabelle Vargas, head ng CSWDO na hinihintay na lamang nila ang pondo dahil sa downloading na ito at sa oras na dumating na sa LGU-Naga,agad silang magtatakda ng cash-distribution.
Kaugnay nito, sinabi niyang may mga nasa “waitlisted” silang mga benipisyaryo na kung saan for replacement ito sakaling may bawian ng buhay sa mga benipisyaryo.