Halos ₱24M halaga ng ilegal na droga, nasabat sa Bacoor, Cavite

Umaabot sa humigit-kumulang 3.5 kilo ng ilegal na droga na tinatayang nagkakahalaga ng halos ₱24,000,000.00 ang nakumpiska ng mga otoridad mula sa magkakamag-anak sa buy-bust operation sa Brgy. Molino 4, Bacoor City, Cavite kagabi.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Montaha Abbas Y Cadingilan, 43 anyos; Datu Bandong y Mudsol, 37 anyos; Norhata Abbas y Bandong, 39 anyos at Elsie Bandong y Dirod, 37 anyos, na pawang mga residente ng naturang lungsod.

Ayon sa imbestigasyon, pasado alas-7:00 kagabi ng ikinasa ng pinagsanib ng pwersa ng mga otoridad kasama ang PDEA-4a ang buy-bust operation kung saan nakumpiska sa mga ito ang pinaniniwalaang Shabu na nagkakahalaga ng ₱23,800,000.00.

Nasa kustodiya na ng mga otoridad ang mga naarestong suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *