DSWD, pinasalamatan ang DBM sa timely release ng ₱151B budget

Pinasalamatan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang  Department of Budget and Management (DBM) dahil sa napapanahon nitong pagpapalabas ng mahigit sa ₱151 billion na pondo para sa pagpapatupad ng social protection na programa at serbisyo ng ahensya.

Ayon sa ahensya, ang “timely release” ng pondo ay malaking benepisyo para sa mga mahihirap at vulnerable sectors dahil sa mga maihahatid na ayuda o assistance ng gobyerno.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Kaugnay nito ay tiniyak ng DSWD na gagamitin ang naturang pondo para sa kanilang major social protection programs na Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), Sustainable Livelihood Program (SLP), Supplementary Feeding Program (SFP), at Protective Services for Individuals and Families in Difficult Circumstances (PSIFDC).

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Samantala, sa unang pagdalo ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa Flag Raising Ceremony ng kagawaran kaninang umaga ay hinikayat nito ang mga empleyado na mas galingan pa sa pagta-trabaho.

Naniniwala umano siya na mas kaya pa nilang gawing mas magaling ang DSWD.