Close

ika- 5 sunod na kampeonato, nakamit ng SMB sa Philippine Cup

Sponsor ads


Gumawa ng kasaysayan ang San Miguel Beer matapos ang tagumpay nitong pagdipensa sa kanilang korona sa PBA Philippine Cup sa ika-limang sunod na taon.

Sa winner-take-all Game 7 ay tinalo ng SMB ang Magnolia sa score na 72-71.

Inuwi naman ni June Mar Fajardo ang Finals MVP award.

Sa buong career ni Fajardo ay ito na ang ikatlong beses na nakuha niya ang nasabing pagkilala matapos niyang mag-average ng 22.9 points, 19.1 rebounds at 1.9 blocks sa serye.

Samantala, spotted naman mula sa mga nagsiksikang manunuod sa Araneta Coliseum si Collin Sexton, na isa sa mga rising star ng Cleveland Cavaliers' sa NBA.

Mababatid na si Sexton, na 8th pick ng Cavaliers sa 2018 NBA Draft, ay nasa bansa ngayon para sa Jr. NBA Philippines national training camp.

(Photo Ernie Sarmiento // ESPN5)