Close

Zion, kasama sa starting line-up kontra Utah

Sponsor ads


Nakasama si Zion Williamson sa starting lineup ng New Orleans Pelicans laban sa Utah Jazz noong Huwebes ng gabi, o dalawang araw matapos nitong makapag-ensayo sa kauna-unahang beses.

Kung maalala ay umalis si Williamson mula sa NBA bubble noong July 16 para makadalo sa problemang medikal ng kanyang pamilya.

Bumalik si Zion noong July 24, at nagnegatibo sa coronavirus.

Pero sa kabila niyan ay sumailalim ito sa quarantine ng NBA sa loob ng 4 na araw bago napayagan na sumali muli sa pag-eensayo ng New Orleans noong Martes ng gabi.

Nagawa ni Zion na makapagtala ng 13 points para sa Pelicans ngunit hindi ito naging sapat para masungkit ang pagkapanalo sa laro na nagtapos sa 104-106.

Samantala, nanguna naman si Jordan Clarkson sa panig ng Utah Jazz sa naitala nitong 23 points 5 rebounds at 3 assists.