Close

Zika virus, maaring panlaban sa brain cancer

Isang mapanganib na virus na sanhi ng nakamamatay na brain damage sa mga sanggol ay nagpapakita ng potential na magamit sa paggamot ng brain cancer sa mga matatanda.

Ayon sa mga bagong pag-aaral, ang virus ay may kakayahang iinfect at patayin ang mga cancerous cells sa utak ng mga pasyente na kadalasan ay mahirap gamutin.

Sa resulta ng eksperimento, ang mga Zika injections na itinurok sa mga fully grown lab rats ay napaliit ang mga aggressive tumours ngunit hindi nagdulot ng pinsala sa mga brain cells.

Sa isang artikulo sa the Journal of Experimental Medicine sinabing bagama’t malayo pa ang posibilidad ng human trials naniniwala umano ang mga eksperto na ang Zika virus ay may potensyal na maiturok sa utak kasabay ng surgery para mag-alis ng mga nakamamatay na tumor.

Ayon sa pag-aaral, ang Zika treatment ay gumana sa mga human cell samples.

Dagdag pa ng mga researchers, maraming iba’t ibang stem cells ang matatagpuan sa utak ng mga sanggol na maaring dahilan kumbakit mas nakakapinsala sa kanila ang Zika.

Kakaunti naman ang mga stem cells sa utak ng mga adults. Dahil dito ang Zika treatment ay kayang targetin ang mga cancer-causing brain stem cells nang hindi nagdudulot ng pinsala sa malulusog na brain cells.