Close

Zanjoe, spotted with Josie Prendergast

Sponsor ads


Lalong umugong ang rumored romance sa pagitan ng aktor na si Zanjoe Marudo at Fil-Aussie model/surfer na si Josie Prendegast dahil napapadalas na ang pagsasama ng dalawa.

Kamakailan ay nakita silang magkatabi sa isang restaurant kasama sina Angelica Panganiban, Kean Cipriano with her wifey na si Chynna Ortaleza at anak na si Stellar.

Sa post ni Kean kung saan makikita ang picture nilang kumakain ng burger ay talamak ang comments tungkol kina Zanjoe at Josie.

Ang ilan ay aprub habang ang iba naman ay hindi boto para sa kanila.

Si Zanjoe ay 36, at 19 naman si Josie.

Noong Hunyo, present ang aktor sa 19th birthday ng surfer model.

Spotted rin sila together sa post ng ilang mga personalidad.

Hindi naman itinanggi ni Zanjoe na sila ay nasa "getting to know each other" stage na.