Close

Zamboanga Sibugay, isinailalim sa state of calamity dahil sa epekto ng El Niño

Sponsor ads


Isinailalim ng lokal na pamahalaan ng Zamboanga Sibugay ang buong probinsya nito sa state of calamity dahil sa epekto ng El Niño sa mga pananim nito.

Sinabi ni Zamboanga Sibugay Governor Wilter Palma na 13 mula sa 16 na bayan na ang nagpasa ng damage reports, lalo na sa bigas, sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.

Dagdag ni Palma, ang mga pinsala sa pananim sa kanilang probinsya ay pumalo na sa P100-milyon, hindi pa kasama dito ang mga nasirang high-value crops nito tulad ng mais, cacao, at iba pa.

Inaasahan ng mga opisyal ng probinsya na tataas pa ang halaga ng pinsala sa mga susunod na araw dahil nagpapatuloy pa ang damage evaluation sa 16 na bayan ng probinsya.

Mababatid na kinukunsidera ang Zamboanga Sibugay bilang rice-producing province na may mahigit 25,000 ektarya ng rice fields at paddies.