Close

Yemen: Air strike, banta para mapadalhan ng pagkain ang 3.5M katao

Sponsor ads


Nadamay sa pambobomba ang mga humanitarian workers sa probinsya ng Hodeida sa Yemen na may dalang pagkain para sa 3.5 million katao na gutom at biktima ng civil war.

Ayon sa World Food Programme (WFP), nakakaalarma na ang serye ng security incidents sa Hodeida city at delikado na ang siyudad para sa humanitarian response na isinasagawa sa bansa.

Babala naman ng United Nations (UN) agency, ang patuloy na kaguluhang nagaganap sa bansa ay isang malaking banta upang mabigyan ng humanitarian assistance ang mga siyudad na nangangailangan ng tulong.

Dagdag pa ng UN agency, sa kabila ng banta ng kaguluhan, hinaharap rin ng mga sibilyan ang banta sa kakulangan ng pagkain, tubig, at gamot.

Patuloy pa rin ang bakbakan malapit sa rebel-held port city na isa sa mapanganib na daanan ng mga aid galing sa Saudi-led coalition at isa ring daanan ng mga armas papuntang Iran-backed Huthis. // Liam Eustaquio-ojt