Close

Yearly audits, gagawin ng MWSS sa water concessionaires

Sponsor ads


Nagsagawa ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System ng Regulatory Financial Audit sa Maynilad Water Services Inc. at Manila Water Co. Inc.

Sinimulan ng MWSS ang RFA nito sa Maynilad at Manila Water nitong November 6.

Sa isang pahayag ay sinabi ng MWSS na magiging taunan na ang pagsilip nito sa financial records ng water concessionaires imbis na kada-5 taon.

Ito ang unang beses na gagawing taunan ang RFA mula nang maitatag ang MWSS noong 1997.

Iginiit ng MWSS na kabilang ito sa mas maigi nitong monitoring sa water concessionaires' na alinsunod sa concession agreement.