Close

Yaya ng 2 batang pinatay sa saksak, aminadong may kasalanan sa ginawa ng ka-live in

Sponsor ads


SURALLAH, SOUTH COTABATO - Aminado ang yaya ng dalawang anak ng pastor na namatay sa pananaksak sa Barangay Libertad nitong bayan na may kasalanan ito sa nangyari.

Sa interview ng Brigada News FM Koronadal kay Ellen Labatos, yaya ng mga biktima na buwan pa ng Oktubre kinumpronta na nito ang kinakasamang si George Judilla na nais niyang makipaghiwalay dito.

Naging maganda naman aniya ang kanilang usapan at hiling lamang umano ni Judilla na huwag ilayo sa kanya ang kanilang anak.

Nagtaka na lamang si Labatos ng pumunta si Judilla sa bahay ng kanyang amo at may dala-dalang kutsilyo.

Dahil sa takot, agad itong tumakbo palayo at iniwan ang mga alagang bata.

Binilin niya umano ito sa kasama nitong katulong na naglalaba at sabay takbo palayo sa lugar.

Hindi akalain ni Labatos na pagbalingan ng galit ni Judilla ang kanyang mga alaga.

Hiling ng yaya ang pagpatawad ng mga magulang ng mga biktima.

Ayon sa kanya, aminado ito na dahil sa away nila ng dating kalive-in maraming buhay ang nawala at kanya itong pinagsisihan. (Tiffany Jill Trinidad)