Close

Yap, nagpaliwanag kung bakit dumalo sa special session

Sponsor ads


Nagpaliwanag si ACT-CIS Rep. Eric Yap kung bakit dumalo pa rin siya sa mga pagpupulong matapos niyang magpa-test sa COVID-19.

Kagabi ay kinumpirma ni Yap na nag-positibo siya sa nasabing sakit.

Ayon kay Yap, wala naman siyang nararamdamang sintomas kaya't dumalo pa siya sa special session ng Kamara noong Lunes at sa isang meeting sa Malacañang noong Sabado kasama si Senador Bong Go.

Aniya, pinanatili naman niya ang distansya sa iba pang mga opisyal bilang pag-iingat. Nabanggit niya na nakararanas siya ng ubo ngunit inakala niyang dahil lamang ito sa kanyang acid reflux.

Dumepensa naman si Yap kung bakit hindi siya nag-self-quarantine. Ani Yap, sakaling nag-negative ang test niya, baka sabihin naman daw ng mga tao na hindi siya nagtatrabaho.

Humingi na rin ng tawad si Yap sa kanyang mga nakasalamuha.