Close

Yao Ming sinisi ang sarili sa tuluyang paglaglag ng Chinese national team sa FIBA

Sponsor ads


Inako ng Chinese superstar at NBA legend na si Yao Ming ang buong responsibilidad sa pagkatalo ng Chinese national team sa FIBA World Cup.

Ayon kay Yao Ming, sinisisi niya ang kanyang sarili sa nakakadismayang performance ng koponan na naging dahilan ng tuluyan nilang pagkalaglag sa laban.

Matapos humarap sa media nang tanungin hinggil sa poor performance ng China, ay nag-walk out ito.

Si Yao Ming ang presidente ng Chinese basketball association.

Mababatid na mas naging popular ang basketball sa China matapos maging bahagi ng Houston Rockets si Ming.