Close

Xian Gaza, nagdonate ng pera sa Malabon Zoo

Sponsor ads


Inihayag ng self-confessed scammer na si Christian Gaza, o mas kilala bilang si Xian Gaza, na nagdonate siya mula sa kanyang sariling pera upang mapakain ang mga hayop sa Malabon Zoo.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Gaza na nag-transferred siya ng cash na nagkakahalaga ng P11,069 sa zoo na kasalukuyang sarado dahil sa pandemic.

Humingi rin ito ng pasensya dahil yun lang umano ang kanyang butal sa kanyang isang bank account na may mobile banking.

Samantala, mula sa maraming bashers ay nakatanggap naman si Gaza ng mga papuri dahil sa kanyang pagtulong.

Una nang nanawagan ng tulong sa publiko ang may-ari ng Malabon zoo na si Manny Tangco, dahil ang kanyang personal na ipon umano ang kanyang ginagamit at mga inutang sa kamag-anak para mapakain ang mga alaga sa naturang pasilidad.

Samantala, para naman sa mga nais tumulong, ay maaring ipasa ang kanilang donasyon sa pamamagitan ng BPI checking account number: 4641-0003-32, na may account name na Malabon Zoo Foundation o makipag-ugnayan sa numerong 8361-3064