Close

World COVID-19 cases, lampas 90-million na

Sponsor ads


Lampas na sa 90-million ang bilang ng mga nakumpirmang COVID-19 cases sa buong mundo base sa tala ng Johns Hopkins University.

Makikita rin sa datos ng unibersidad na nasa halos 2-million na ang bilang ng mga namatay sa sakit na dulot ng virus habang nasa halos 50-million na ang recoveries.

Nangunguna sa listahan ng mga bansa na may pinakamaraming kaso ng COVID-19 ang US na nagtala ng mahigit 22.3-million cases.

Pumapangalawa naman ang India na may mahigit 10.4-million infections.

Nasa ikatlong pwesto naman ang Brazil na lumampas na sa 8-million ang mga kaso.