Close

Work from home law napapanahon - Palasyo

Sponsor ads


Naniniwala ang Malakanyang na napapanahon ang pagsasabatas sa Republic Act 11165 o Telecommuting Act.

Ito ang naging reaksiyon ng Palasyo kasunod ng paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa naturang batas bilang pagkilala sa makabagong workforce ng

manggagawang Pilipino.

Ayon kay Presidential Spokesman Sec. Salvador Panelo kapuri-puri ang ginawang pagpasa ng mga mambabatas sa 'work from home scheme' ng mga nasa pribadong sektor.

Nakapaloob sa nasabing batas, maaaring magkaroon ng arrangement ang mga manggagawa sa private sector at kanilang mga employers para

makapagtrabaho na sa bahay o alinmang alternatibong lugar gamit ang telecommunication o computer technologies.

Ayon sa batas, boluntaryo ang "work from home scheme" na mapagkakasunduan ng empleyado at employer at dapat payag ang dalawang partido.