Close

Winwyn Marquez, nilinaw na wala siyang isyu sa mga transgender sa beauty contest

Sponsor ads


Nilinaw ng Reina Hispanoamericana 2017 na si Winwyn Marquez na hindi siya tutol sa mga transgender na sumali sa mga beauty pageant sa kanyang pahayag na sana ay ibigay na lang sa mga natural born women ang Miss Universe.

Sinabi ni Win na ito ay dahil may sarili namang beauty pageant ang mga transgender.

Kasunod ito ng pagkakapanalo ng transwoman na si Angela Ponce bilang Miss Universe 2018 ng Spain.

Sa ngayon ay wala pang official statement ang Miss Universe Organization kung papayagan nilang makasali si Ponce sa susunod na Miss Universe pageant.