Close

Winter Olympics torch ng Pilipinas, binitbit ni Ryan Bang

Sponsor ads


Napili ang TV host na si Ryan Bang na maging torchbearer ng Pilipinas sa 2018 PyeongChang Winter Olympics.

Sa mga larawan ni Bang bilang torcbearer sa mga Instagram posts ng kanyang talent agency ay makikita dito na sumakay siya sa isang hot air baloon sa Cuncheon City sa Gangwon Province.

Nagsimula ang torch relay noong October 24 sa Greece at natapos ito kagabi sa PyeongChang Olympic Stadium.

Samantala, winelcome naman ang team Philippines sa seremonya ng 2018 Winter Olympics kung saan ay pinarada ang bandila ng Pilipinas.

Mababatid na irerepresenta ni Michael Martinez ang bansa sa larangan ng figure skating habang si Asa Miller naman ang magiging kinatawan ng bansa sa Alpine skiing.


(PHOTO: STAR MAGIC)