Close

Wil Dasovich at mga kaibigang foreigners nagswimming sa Pasig River

Sponsor ads


Tumalon at lumangoy si Wil Dasovich at kanyang mga kaibigan sa Pasig River kasama ang mga bata na nakatira sa tabi ng ilog.

Ideya ng ex-PBB housemate at vlogger na i-prank sana ang kanyang mga kababata galing US na palanguyin sa ilog para ipakita kung gaano ka-polluted ito.

Ngunit kabaliktaran ang nangyari, nag-enjoy ang mga ito sa paglangoy sa ilog kasama ang mga bata at di na napansin muli ang baho at dumi.

Ang paglangoy nila Wil Dasovich at kanyang mga kababata ay nasa vlog ni Wil na may title na "Swimming in the Pasig River...I GOT SICK" at may mahigit 400,000 views na.