Close

White House, umaaasang tuloy ang Kim-Trump summit

Sponsor ads


Umaasa pa rin ang White House na matutuloy ang summit sa pagitan nina United States President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong Un sa kabila ng babala ng Pyongyang na kakanselahin nila ito.

Ayon kay White House spokeswoman Sarah Sanders, naghanda naman sila na hindi magiging madali ang isasagawang negosasyon sa North Korea.

Handa rin umano si Trump kapag natuloy ang talks pero kung sakaling maunsyami ito, ipagpapatuloy ng Estados Unidos ang maximum pressure campaign.

Mababatid na kamakailan lamang ay nagbabala ang Pyongyang na magba-back out sa high level summit na nakatakda sa June 12 sa Singapore dahil sa isinasagawang joint military exercises ng South Korea at Amerika.

Sa kabila nito, umaasa naman ang China, ang major ally ng North Korea, na matuloy ang meeting ng dalawang world leaders.