Close

Western Visayas, peaceful sa kabila ng ‘shooting incident’ – PRO 6

Sponsor ads


KALIBO, AKLAN – Ipinasiguro ng Police Regional Office (PRO) 6 na mapayapa ang buong rehiyon ng Western Visayas sa kabila ng mga naitalang ‘shooting incidents.’

Ayon kay PRO 6 Spokesperson P/Supt. Joem Magalong, itinuturing nilang isolated ang mga kaso ng pamamaril sa rehiyon.

Kaugnay nito, inutos na umano ni PRO 6 Director PC/Supt. John Bulalacao na tutukan ang mga naturang kaso upang agad na maresolba.

Samantala, binigyang diin din nito ang pagbaba ng crime volume sa rehiyon. BNFM Kalibo