Close

Westbrook, bagong miyembro ng Rockets

Sponsor ads


Muling magkakasama sa isang koponan sina James Harden at Russel Westbrook.

Ito ay matapos makumpleto ang trade sa pagitan ng Oklahoma City Thunders at Houston Rockets.

Mapupunta si Westbrook sa Rockets kapalit ni Chris Paul at first-round picks sa 2024 at 2026 kung saan mayroon itong right to swap sa first-rounders sa 2021 at 2025.

Bago ang trade kay Westbrook, una nang nailipat si Paul George sa Los Angeles Clippers.

Magugunitang unang nagsama sina Harden at Westbrook sa OKC kung saan tumatayong back-up point guard si The Beard.// LEY BAGUIO