Close

Well-milled rice, mabibili na sa NCR ng P39 simula bukas

Sponsor ads


Simula bukas, araw ng Lunes ay mabibili na sa mga pamilihan sa National Capital Region (NCR) ang well-milled rice sa halagang P39.

Ito ang kinumpirma ni National Food Authority (NFA) spokesperson Rex Estoperez kung saan gaya ng ipinangako ng rice traders kay Pangulong Rodrigo Duterte, iro-roll out na ang murang bigas bukas.

Sa pulong kamakailan sa pagitan nina pangulong Duterte at ng mga rice traders at millers, nangako ang mga ito na maglalaan ng 700,000 sako ng bigas para ma-replenish ang mababang stoks ng bigas ng NFA.

Ayon kay Estoperez, tatawagin ang nasabing proyekto bilang "Tulong Sa Bayan Caravan." at magpapakalat ng tarpaulins, sa merkado sa buong Metro Manila.

Mga rice traders at millers umano mula Nueva Ecija at Isabela ang magsu-suplay ng murang well-milled rice.

Mahigpit din umanong imo-monitor ng NFA ang delivery at distribusyon ng murang bigas sa merkado.

Dagdag ni Estoperez, hindi rin lilimitahan ang mga mamimili kung ilang kilo ng well-milled rice ang kanilang bibilhin.