Close

Warriors wagi kontra Portland sa Game 1 ng WCF

Sponsor ads


Muling pinatunayan ng Golden State Warriors na solid pa rin sila kahit wala si NBA Star Kevin Durant.

Tinambakan ng defending champ ang Trail Blazers sa Game 1 ng Western Conference Finals sa score na 116-94.

Bumida sa panalo ang 'splash brothers' ng GSW kung saan nagtala ng 36 points si Steph Curry habang nag-ambag naman ng 26 points si Klay Thompson.

Simula pa lamang nang laban ay halatang hirap na hirap na ang Portland na mahanap ng rythm sa kanilang opensa.

Nagtala lamang ng combined 36 points ang mga star players na sina CJ McCollum at Damian Lillard.

Nakatakda naman ganapin ang Game 2 ng WCF sa Biyernes sa homecourt pa rin ng Golden State.