Close

Warriors, buhay pa!

Sponsor ads


Nasilat ng Golden State Warriors ang Toronto Raptors sa Game 5 ng NBA Finals para i-extend ang serye sa score na 106 - 105.

May tiyansa pa sanang kunin ng Raptors ang laban subalit sumablay ang buzzer beater shot ni Kyle Lowry.

Sa huling dalawang minuto ay lamang pa ang Raptors ng anim subalit dahil sa back to back 3-point shot ng 'splash brothers' na sina Klay Thompson at Steph Curry ay nakuha pang humabol ng Golden State.

Nagtala ng combined 57 points sina Curry at Thompson para pangunahan ang come-back win ng defending champ.

Sa panig ng Raptors naman ay kumamada si Kawhi Leonard ng 26 points subalit kinapos pa rin sa huling segundo ng laban.

Gaganapin naman ang Game 6 sa Biyernes, June 14, 2019 sa homecourt ng GSW. // LEY BAGUIO