Close

Wanted person, inaresto matapos na magboto

Sponsor ads


ALTAVAS, AKLAN — Naaresto ang isang wanted person matapos na makapagboto sa Barangay Cabugao, Altavas, Aklan.

Kinilala ang akusado na si Agosto Cesar De Pedro na may pending warrant of arrest sa ilalim ng Criminal Case number 14142 para sa paglabag nito sa Section 5-a ng RA 9262.

Sa panayam ng Brigada News FM Kalibo kay Police Chief Inspector Rogelio Tomagtang, hepe ng Altavas PNP, pinatapos lang nilang makapagboto si De Pedro at agad na inaresto.

Ang akala umano ng wanted person ay tapos na ang kasong isinampa laban sa kanya ng kanyang asawa.