Close

Wanted: 'Orange' cat na dadalo sa children's Garfield-themed dinner

Sponsor ads


Nag-viral online ang ad ng isang babae sa Oklahoma dahil sa kakaiba nitong request.

Ito ay ang makahiram ng orange cat na dadalo sa children's Garfield-themed dinner.

Kaugnay niot, ipinost ni Clara Edwards ang naturang ad sa Craigslist at Instagram bago ito gumawa ng printed copy at ipinost sa Oklahoma University Medical Center.

Nakasaad sa ad, na 24-48 hours ang itatagal ng orange cat para sa lasagna dinner kasama ang Garfield-loving 4-year-old at 2-year-old children.

Samantala, nakahanap naman ang asawa ni Edwards ng kaibigan na mayroong orange cat na dadalo sa naturang dinner.