Close

Wanted: 'Chief Grilling Officer'; travel at kakain lang ng barbecue sa $10k sahod

Sponsor ads


Inanunsyo ng Reynolds Wrap na naghahanap sila ng tatanghaling "Chief Grilling Officer" na makakatanggap ng $10,000.

Ipapadala ang mapipiling officer sa mga syudad na kilala sa masasarap na barbecue para kumain, matuto ng grilling techniques at grilling culture.

Kinakailangan ding maibahagi niya ang mga matutunan niya sa kanyang magiging journey bilang "Chief Grilling Officer".

Tatagal lamang ang trabaho ng dalawang linggo at bukod sa sweldo ay libre ang pagkain at lugar kung saan mamalagi ang CGO at kanyang magiging guest.

Mamimili ang naturang kumpanya base sa sagot ng mga aplikante kung bakit sila ang kapatdapat na sa posisyon gamit lamang ang 100 salita.

Pinagdadala rin ang mga aplikante ng litrato ng kanilang paboritong grilling recipe.