Close

Wanda Teo, posibleng maharap sa kasong graft

Sponsor ads


Kinumpirma ng Commission on Audit na may posibilidad na makasuhan ng kasong graft si dating Toursim Secretary Wanda Teo.

Ito ay dahil sa kontrobersiyal na paglalagay ni Teo ng TV advertisements sa programa ng kanyang kapatid sa People's Television Network na labag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Paliwanag ng COA, maaari kasing may conflict of interest sa memorandum of agreement sa pagitan ng ahensya at ng PTV na siyang nakasama lamang sa pamahalaan.

Tinatayang P89.9 milyon kasi ang napunta sa Kilos Pronto na pondo sana para sa mga advertisements.

Katumbas ito ng 75 porsyento ng pondo na nagkakahalaga ng P120 milyon.