Close

Walton bagong head coach ng Sacramento Kings

Sponsor ads


Opisyal nang inanunsiyo ng Sacramento Kings ang pagtalaga kay Luke Walton bilang bagong head coach.

Batay sa report, pangungunahan ni Walton ang Kings hangang 2022-23 NBA season.

Masaya naman si General Manager Vlade Divac sa pagdating ni Walton sa kanyang koponan.

“I have known Luke for many years and I am so excited to welcome him and his family to the Sacramento Kings. I look forward to his leadership on the court as we work to build a winning culture for many years to come.” saad ni Divac.

Si Walton ay dating head coach ng Los Angeles Lakers kung saan noong biyernes lamang ay nagkasundo na maghiwalay na nang landas.