Close

Walton 'out' na bilang coach ng Lakers

Sponsor ads


Tatlong araw matapos magbitiw si Magic Johnson bilang Basketball for Opoerations President ng Los Angeles Lakers, inanunsiyo naman ngayon ng koponan ang pag-alis ni Luke Walton bilang head coach.

Batay sa report maayos na nagkasundo sina Walton at Lakers na maghiwalay na nang landas matapos ang tatlong NBA season.

May dalawang taon pa sana si Walton sa Lakers sa kanyang five-year deal contracts.

Magugunitang umaasa ang lahat ng magandang performance para sa Lakers matapos makuha nito si Lebron James.

Tinapos ni Walton ang kanyang ikatlong season sa pamamagitan ng 37-45 record.