Close

Walang politicians sa likod ng CJ supporters - lawyer

Sponsor ads


Nilinaw ng kampo ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na walang kahit na sinung politicians ang nasa likod ng alyansang sumusuporta sa punong mahistrado na nahaharap ngayon sa dalawang ouster bids.

Ayon kay Atty. Josa Deinla, isa sa mga tagapagsalita ni Sereno, ang pro-Sereno group Coalition for Justice ay binubuo ng private individuals at civil society members na boluntaryong sumali sa grupo.

Giit pa ni Deila, maging si dating Pangulong Benigno Aquino III, na siyang nagtalaga kay Sereno bilang chief justice noong 2012, ay hindi rin umano nagpahayag ng suporta sa punong mahistrado.

Ang Coalition for Justice na nagsagawa na ng ilang protest actions para ipakita ang kanilang suporta kay Sereno ay kinabibilangan ng religious at multi-sectoral groups kasama ang Philippine Council of Evangelical Churches, Intercessors of the Philippines, NFS Ministry Foundation, The Silent Majority, Martial Law Chronicles Project, at Knights of Democracy.