Close

Walang Pasok

Sponsor ads


Kanselado ang ilang klase ngayong araw, July 17, 2019 dahil sa masungit na panahon.

Asahan nang walang pasok sa lahat ng antas sa public at private sa Abra; Apayao; Bago City, Negros Occidental; Caloocan; Cagayan; Cavite; Las Piñas; Mandaluyong; Mangaldan; Pangasinan; Malabon; Marikina; Muntinlupa; Navotas; Parañaque; Pasay; Pasig; Pateros; Quezon City; Rizal; Sabangan, Mountain Province; San Juan; Taguig, at Valenzuela.

Sa lungsod ng Maynila, ay asahan nang kanselado ang klase mula pre-school hanggang elementary

Suspendido naman ang klase mula pre-school hanggang elementary sa San Jose City, sa Nueva Ecija.

Wala rin pasok ang pre-school hanggang senior high school, sa Dagupan at Guihulngan.

Sa Bacolod ay kanselado rin ang klase sa pre-school hanggang high school.

Kanselado rin ang klase mula elementary hanggang senior high school sa Angeles City.