Close

Walang lockdown sa QC area ng 1st COVID-19 UK variant case

Sponsor ads


Nilinaw ng mga opisyal ng Quezon city na walang ipapatupad na mahigpit na quarantine rules sa residential area ng unang Pilipinong infected sa bagong variant ng COVID-19 variant.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, hindi dapat na magkaroon ng diskriminasyon, lalo na sa Kamuning kung saan nakatira ang pasyente.

Dagdag ni Belmonte, kailangan ng maraming proof para ikonsidera na ang pasyente ay isolated case, dahil ang sample nito ay random na tenest.

Una nang umapela ang alkalde sa national government na idagdag ang UAE sa listahan ng travel restrictions, kung saan galing ang pasyente.