Close

Walang gastos at practical na beauty tips, alamin!

Sponsor ads


Hindi kailangan gumastos ng malaki para gumanda. Mayroon akong mga simpleng payo para maging mas malusog at maganda tayong lahat:

1. Uminom nang maraming tubig – Uminom ng 8 basong tubig araw-araw para manatiling malambot ang ating balat.

2. Magbawas ng stress – Sabi nga, “Huwag kang magalit, at tatanda ka agad.” Ang madaling magalit ay mabilis pumangit di ba? Nagsasalubong ang kilay at nakangiwi ang mga labi. Tumawa ka at ika’y gaganda.

3. Matulog ng 7 o 8 oras – Kailangan mo ang beauty sleep para hindi magka-eye bags. Sa mga problemado, subukang mag-relax bago matulog.

4. Umiwas sa araw – Alam kong marami sa ating kabataan ang mahilig mag-beach, pero masisira ang kutis niyo diyan. Ang araw ay nagpapakulubot ng balat, nagdudulot ng freckles at posibleng magka-skin cancer pa dahil sa UV light.

5. Gumamit ng sunblock – Payo ng dermatologists ang paggamit ng sunblock araw-araw. Hanapin ang may nakasulat na SPF 15 o mas mataas pa.

6. Umiwas sa usok at alikabok – Ito ang malaking problema natin - polusyon. Kung may budget, mag-aircon bus ka na lang.

7. Iwas sa sigarilyo at alak – Ang paninigarilyo, tulad ng usok, ay nakatatanda sa ating mukha. Ang alak naman ay nakapagpapakulubot din ng balat.

8. Mag-lotion o moisturizer sa gabi – May tulong sa pagpapakinis ng mukha ang mga moisturizer o lotion. Maghugas muna ng mukha, tapos maglagay ng moisturizer para hindi mag-dry ang balat. Hindi naman kailangang bumili ng mamahaling brands.

9. Healthy eating – Kumain ng tama at masustansya tulad ng prutas at gulay na sagana sa vitamins at minerals. Umiwas sa pagkaing matataba, mamantika at sitsirya.

10. Healthy living – Mag-exercise. Magkaroon ng libangan. Maging abala sa magandang gawain.

11. Magdasal at tumu­long sa kapwa – Kapag maganda ang iyong saloobin, lalabas ang iyong “inner beauty”.


Credit@Dr. Willie T. Ong