Close

Walang Pasok re: Bagyong Tisoy

Sponsor ads


Nagkansela ng klase ang ilang lugar bunsod ng masungit na panahon na dulot ng bagyong Tisoy.

Kabilang sa mga lugar na nagdeklara ng walang pasok sa lahat ng antas sa parehong public at private schools ngayong araw (December 3, 2019) ay ang Caloocan, Las Piñas, Makati, Malabon, Mandaluyong, lungsod ng Manila, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasig, Pateros, Quezon City, Pasay, San Juan City, Taguig, at Valenzuela.

Sa Bicol naman ay asahang walang pasok sa lahat ng antas sa parehong public at private schools sa Albay, Masbate at Sorsogon.

Sa CALABARZON ay kanselado ang lahat ng klase sa public at private schools sa probinsya ng Batangas hanggang December 4 habang sa Cavite ay hanggang ngayong araw lamang ang inanunsyong suspensyon.

Sa Laguna ay asahang waang pasok ang preschool hanggang senior high school sa Bay, habang all levels naman ang mawawalan ng pasok sa Cavinti, Famy, Liliw, Los Baños, Lumban, Mabitac, Magdalena, Majayjay, Nagcarlan, at Sta. Cruz.

Sa Quezon province ay asahang walang pasok ang lahat ng klase sa public at private schools hanggang December 4.

Nag-anunsyo rin ang mga lugar sa Rizal ng suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa public at private schools dahil sa epekto ng bagyong Tisoy.

Kabilang na rito ang Angono, Antipolo, Baras, Binangonan, Cainta, Cardona, Jalajala, Pililla, Montalban, Morong, San Mateo, Tanay, Taytay, at Teresa.

Sa Central Luzon naman ay asahang walang pasok ang mga estudyante sa Baler, Aurora, sa Bataan, at sa ilang lugar sa Bulacan partikular na sa Bocaue, Malolos, at Pulilan.

Sa Cordillera Administrative Region ay nagdeklara na rin ng walang pasok ang Baguio City mula preschool hanggang elementary sa parehong public at private schools.

Asahan rin na suspendido hanggang bukas ang mga klase sa ilang Lugar sa Mimamorpa partikular na sa lahat ng private at public schools Marinduque at Oriental Mindoro habang sa Calatrava, Romblon naman, ay tanging ang public schools lamang ang mawawalan ng klase hanggang bukas.

Nag-anunsyo ng suspensyon sa klase ang ilang lugar sa Visayas dahil sa epekto ng bagyong Tisoy.

Kabilang sa mga nagsuspindi ay ang Cebu City, ngunit para lamang ito sa mga estudyante sa preschool hanggang senior high school ng public at private schools.

Kanselado na rin ang klase ng preschool hanggang senior high school students ng public schools sa Talisay City.

Sa Easter Visayas ay asahan nang walang pasok ang lahat ng antas sa parehong public at private sa i