Close

Wala nang confirmed COVID-19 case sa PH - DOH

Sponsor ads


Inihayag ng Department of Health (DOH) na wala nang confirmed case ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, matapos na ang unang nagpositibo sa virus ay nakalabas na ng ospital.

Mababatid na tatlo ang naiulat na kumpirmadong kaso ng virus sa bansa kung saan isa dito ang nasawi dahil sa acute pneumonia.

Sa kabila nito, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na hindi pa rin sila nagpapaka-kampante dahil ang local transmission ng COVID-19 ay nanatiling mataas.

Batay sa datos mula Feb. 14, nasa 191 ang patients under observation para sa suspected novel coronavirus infection na nanatiling naka-admit sa iba't-ibang health facilities habang 260 na iba pa ay nakalabas na.

Ayon pa kay Duque, 252 PUIs ang nagnegatibo sa COVID-19 habang 186 ang may pending results mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).