Close

Waiter, sugatan sa ulo nang bumangga sa glass door

BORACAY, ISLAND — Nagtamo ng sugat sa ulo ang isang waiter ng resto bar sa Station 3 Barangay Balabag sa isla ng Boracay.

Ito’y matapos na bumangga sa glass door nang pinagtatrabahuhang resto bar.

Kinilala ang biktimang si Prince Dominique Zabala, 19-anyos, taga Marikina pero kasalukuyang nakatira sa isla.

Sa imbestigasyun, nagmamadaling pumasok sa resto bar ang biktima habang may bitbit ito sa kamay pero biglang naisara ng kanyang kasama ang glass door kaya sumalpak ang ulo nito.

Sa ngayon ay patuloy ang medical monitoring sa biktima.