Close

WHO nagbabala sa mga bansang magluluwag sa international travel restrictions

Sponsor ads


Nanawagan ang World Health Organization sa mga bansa na nagpa-planong luwagan na ang kanilang international travel restrictions.

Ayon kay WHO Chief Tedros Ghebreyesus, hindi dapat biglain ng anumang bansa ang muling pagbubukas ng kanilang mga pintuan para sa turismo.

Giit ng opisyal, hangga’t maaari ay bigyang prayoridad muna ang mga mahahalagang air travel tulad ng medical emergencies, humanitarian actions, essential personnel at repatriation sa mga nangangailangang indibidwal o grupo.

Bago aniya magpasya ang mga bansa ay kailangan muna ng mabusising pag-aaral o pagtaya upang maiwasan ang lalong pagkalat ng COVID-19.

Maaalalang ipinatupad ng halos lahat ng mga bansa sa buong mundo ang mahigpit na travel restrictions sa mga dayuhan bilang bahagi ng mga hakbang para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus.